Share:

Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, inirekomenda ng Department of Health (DOH)-Davao na isailalim sa modified enhanced community quarantine ang Davao City, at ang Probinsya ng Davao Oriental naman ay isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Dr. Rachel Joy Pasion, head of the Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng DOH-Davao, binase nila ang rekomendasyon sa health care utilization rates ng dalawang lugar na patuloy na nasa critical risk. “This is as of the latest data that we have, and be reminded that we have very fluid data on hand. So, it changes every week. When we say escalation, we would consider health care utilization of one province. When we check on our health care utilization rate, for Davao City, we recommend MECQ, but for Davao de Oro, we recommend ECQ since health care utilization is at critical risk and that would really depend on the number of COVID beds that they have,” dagdag pa ni Dr. Pasion.

Naipasa na sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang rekomendasyon. Inaasahang isasailalim ang dalawang lugar base sa rekomendasyon sa katapusan ng Setyembre. (By: Frances Pio)

Leave a Reply