Share:

By Frances Pio

––

Isang transport group ang nakikipagnegosasyon para sa isang bahagyang suspensiyon ng excise tax sa gasolina habang ang mga driver ng public utility ay patuloy na nagtitiis sa mas mataas na presyo ng langis sa gitna ng pandemya.

Sinabi ni Ricardo “Boy” Rebaño, Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) national president, sa CNN Philippines’ The Source noong Martes na ang sektor ng transportasyon ay makikinabang pa rin ng malaki kahit na mula sa hindi bababa sa 50% excise tax cut mula sa produktong petrolyo, habang hinihintay ang kanilang apela para sa pansamantalang pagtaas ng pamasahe sa jeep.

“Hindi naman namin hinihingi ang 100% na pangsamantalang itigil. Kahit 50% doon sa excise tax, basta’t magbebenepisyo itong nasa transport sector, siguro pag-aralan nilang mabuti,” ika ni Rebaño.

Aniya, bagama’t naiintindihan niya na maaaring makaapekto ito sa alokasyon ng gobyerno para sa iba pang mga programa nito, kailangan din ng transport sector ng agarang tulong.

Aminado si Rebaño na ang pagsasagawa ng transport strike paminsan-minsan ay magpapabigat lamang sa mga commuter. Ngunit ang ilan sa kanyang mga kasamahan ay tumigil na sa kanilang pagbiyahe dahil wala silang sapat na take-home pay para pakainin ang kanilang mga pamilya.

“Sa hanay ng FEJODAP, maraming huminto pansamantala dahil hindi na po talaga nila kakayanin, naghahanap sila ng panibagong pagkakakitaan para naman mabuhay ang kanilang pamilya,” sinabi niya.

Leave a Reply