By Frances Pio

––

Naging biktima ang “Mona Lisa” ng tangkang paninira noong Linggo nang ang isang bisita sa sikat na Louvre Museum sa Paris ay nagpahid ng frosting sa buong salamin ng likhang sining mula sa panahon ng Renaissance.

Ang lalaki, na mukhang nakasuot ng peluka sa mga video ng insidente na ibinahagi sa social media, ay lumapit sa painting ng nakasakay sa wheelchair bago ibinato ang isang piraso ng cake sa likhang sining, ayon sa isang pahayag mula sa Louvre.

“A visitor simulated a disability in order to use a wheelchair to approach the work, which was installed in a secure display case. The Louvre applied its usual procedures for people with reduced mobility, allowing them to admire this major work of art,” ayon sa pahayag.

Leave a Reply