Bilib si Moreno sa pamunuan ng mga pabrika na kanyang binisita sa Pampanga dahil sa kabila ng pandemya, hindi nakaranas ng pagkalugi ang mga ito hindi tulad ng ibang micro, small, at medium enterprises (MSMEs) sa bansa.
Binisita si Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso noong Huwebes ang tatlong pabrika sa Pampanga bilang parte ng kanilang kampanya sa pakikinig sa mga hinaing at suhestiyon ng mga ordinaryong Pilipino.
Kasamang bumisita ng presidential aspirant sa probinsya ang kanyang running mate na si Dr. Willie Ong at kanilang mga senatorial bets na sina Samira Gutoc, Jopet Sison, at Carl Balita.
Kabilang sa mga pabrika na tinutukoy ni Moreno ay ang Pampanga’s Best na kilala sa paggawaw ng sikat na Tocino na nakabase sa San Fernando, ang ABS Corporation, isang rattan furniture manufacturer sa Bacolor, at Co Am Philippines Inc., isang kompanya na nag-eexport ng mga “thrifted” o “used clothes” sa Clark Freeport.
“I am very much impressed by what I saw today in the three factories we visited. These should be model companies during the pandemic. They never closed shop. Not a single employee was retrenched. And their business continue to thrive despite the lockdowns. I wish many small and medium enterprises can learn from them,” salaysay ni Moreno.
Ang Pampanga’s Best ay pagmamayari ng mag asawang Jun at Lolet Hizon na mayroong mahigit 1,350 na empleyado sa kanilang pagawaan ng tocino at longganisa. Ang presidente ng kompanya ay si three-term Bacolor Mayor Jomar Hizon.
Ang ABS Corporation naman ay may 500 empleyado at isa sa mga nangungunang rattan furniture maker hindi lang dito sa bansa, kundi pati sa Estados Unidos kung saan binebenta ang kanilang mga produkto sa mga sikat na pamilihan doon tulad ng Walmart at Target.
Pagmamayari at pinamumunuan ni Raul Aquino ang kompanya, at may iba rin itong mga negosyo tulad ng construction, hauling, batching plant, at food franchise.
Ang Co Am Philippines Inc. naman ay pagmamayari ni Aron Ang, ang kompanya ay umaangkat ng mga gamit na damit at ini-export ito sa iba’t ibang mga bansa matapos itong i-proseso.
Mayroong 1,600 na empleyado ang kompanya at kabilang sa kanilang mandato ay ang pagpapadala ng mga damit sa mga lugar na nasalanta ng bagyo o kalamidad.
99.5% ng mga business enterprises sa bansa ay mga MSMEs (Micro, Small and Medium Enterprises), ang natitirang 0.5% naman ng 4,761 ay mga malalaking negosyo o kompanya na karamihan ay pagmamayari ng mga Filipino taipans at oligarchs.
Kabilang sa Bilis Kilos 10-point agenda ni Mayor Isko ang pagenganyo sa mga Pilipino na mag negosyo, aniya, “the ease and cost of doing business should be improved.”
“To help local businessmen, we should increase the loan pool available to performing MSMEs from the current P1.5 billion to P30 billion,” ani Moreno.
“It is also important that create more special agri-economic zones and improve our business climate to attract foreign direct investments or FDI,” dagdag pa niya.
Naniniwala si Moreno na ang pagabot sa “herd immunity” sa pamamagitan ng malawakang pagbabakuna kontra Covid-19 ay magbibigay daan upang muling makapagsimula ang mga negosyo at makapagbigay ng trabaho sa mga Pilipino na magiging simula ng pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
(By: Aj Lanzaderas Avila)