Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Sinabi ng isang opisyal mula sa Metropolitan Manila Development Authority nitong Miyerkoles, Enero 25, na posible nang maipatupad ang eksklusibong linya para sa mga motorsiklo sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ayaw pang pasimulan ang motorcycle lane sa naturang lugar dahil hindi pa kumpleto ang mga karatula sa kalsada, ayon kay MMDA Chairperson Romando Artes.

“We don’t want to start it na hindi kumpleto iyong mga road signages natin at lane markings, para walang excuse iyong mga motorista na mag-violate ng mga exclusive lanes na ito,” aniya.

Umabot naman sa 24,000 ang bilang ng mga aksideneng may kaugnayan sa mga motorsiklo ayon sa MMDA kaya layunin ng nasabing hakbang na maibsan ang trapiko at ang bilang ng mga aksidente sa lugar.

Dagdag pa Artes, nakikita nilang matatapos ang motorcycle lane sa kalagitnaan ng buwan ng Pebrero.

Leave a Reply