By: Jen Lopez
Maaring makaranas muli ang bansa ng pagtaas ng Covid19 cases sa mga dadating na buwan ayon sa World Health Organization (WHO).
“With the unsafe gatherings and social mixing expected in the next two months, a surge in Covid-19 cases is quite likely,” ayon sa WHO.
Madalas na pagtitipon ang maaring maganap nitong buwan hanggang Mayo dahil sa selebrasyon ng Ramadam, Holy Week at eleksyon.
Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rajendra Yadav, nararapat na maging handa ang gobyerno sa mga maaring mangyari muli sa bansa.
“The continuous recalibration of the country’s Covid-19 response strategies is essential to prepare for a possible surge in cases and manage Covid-19 sustainably. Therefore, WHO recommends focusing on the priority groups that remain unvaccinated and house-to-house vaccination for these groups,”ayon sa kanya.
Ang lokal at ang mga LGU ay dapat aksyonan agad ang pagsala sa mga taong hindi pa nababakunahan at hindi pa nakukumpleto ang bakuna upang malaman kung ilan pa ang mga taong kailangan pang mabakunahan at mabigyan ng booster.
