Share:

By: Margaret Padilla 

––

Ang music video ng dating PBB grand champion, aktres, at recording artist na si Maymay Entrata para sa hit single na “Amakabogera” ay pumalo na ng 15 milyong views sa YouTube.

Ang mahigit tatlong minutong video, na nag-debut sa ABS-CBN Star Music YouTube channel noong Oktubre 22, ay nakatanggap na ng 15,339,059 views habang sinusulat ito.

Inilabas ng Star Pop ang “Amakabogera,” isang kanta tungkol sa pagiging unapologetic at confidently beautiful. Ito ang follow-up sa “Di Kawalan” ni Entrata na lumabas noong Mayo 2021.

Samantala, sa kanyang Instagram post kahapon, gamit ang hashtag na #PaosPeroNairaos, nagpasalamat si Maymay sa mga nanood ng kanyang music video.

“Happy 15M views mga kabogeras! Special thanks to @asapofficial fam sa pa welcome nyo po saakin, hinding hindi ko ito makakalimutan,” aniya.   

Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa kanyang “ASAP Natin’ To” family sa mainit na pagtanggap sa kanya nitong nakaraang buwan.

Kamakailan lamang ay bumalik sa bansa si Entrata pagkatapos ng ilang buwan sa Canada.

Nagsimula ang showbiz career ng aktres-recording artist nang sumabak siya at nanalo sa “Pinoy Big Brother,” kung saan una siyang ipinares sa kapwa kasambahay na si Edward Barber.

Leave a Reply