Araw ng Miyerkules ika-24 ng Hunyo binigyan na ng permiso ng Land Transportation Franchise and Regulatory Board (LTFRB) Chairman na si Martin Delgra ang mga UV express at pampasaherong jeep na bumyahe sa pagpasok ng susunod na Linggo.
“Next week for both UV and traditional jeepneys”
“For Monday may bubuksan na mga UV, and then followed by the traditional jeepney,”
Magkakaroon umano ito ng “Two-Phase Resumption” o dalawang magkasunod na pag takbo ng mga PUV. Ang “First Phase” o paunang papayagan na bumyahe ay ang mga pampasaherong tren, bus, taxi, transport network vehicles at mga tricycle, sa “Second phase” o pangalawang papayagan bumyahe naman ang mga UV at mga jeep na pampasahero.
Kasabay nito ang sinasabing “hierarchy of transport” na ipinaliwanag ni Delgra, “Yung sa hierarchy, ang sinasabi natin dito na yung may mas malaking kapasidad na makakadala ng pasahero from point A to point B, yun ang sinasabi natin na may preference,” Dagdag pa ni Delgra na mas prioridad na unahin ang mga pampublikong sasakyan na mas maingat sa publiko at nakakasunod sa regulasyon ng quarantine.
“The bus and modern jeepney we’re talking about, they are better managed than the traditional jeepney or the UV Express,” Ayon din sa Malacañang, mas malaki umano ang kasiguraduhan na makabyahe na nang maaga ang mga UV express kumpara sa mga pamapasaherong jeep.
