Share:

Susubukan ni Nash Aguas, 22, maging konsehal ng Cavite City. Tumatakbo si Nash sa ilalim ng partido ni Vice Mayor Denver Chua na tatakbong alkalde ng lungsod sa ilalim ng lakas-CMD.

Nagbigay ng komento si Nash sa kanyang mga kritiko na bumabatikos sa kanyang pagtakbo. Maraming nagsasabi na bata pa ang aktor upang sumabak sa pulitika.

Ayon kay Aguas, “Sa totoo lang ho, oho, masyado akong bata. Pero sasabihin ko sa ‘yo, masyado rin naman akong bata nagtrabaho ha? At the age of 5, nagtrabaho na ho ako. At the age of 17, nag-start akong mag-invest ng real estate properties. At the age of 19, nakapagpatayo po ako ng mga passive incomes outside showbiz”.

Leave a Reply