By Frances Pio
–
Umiskor si Brandon Ingram ng 30 puntos at nagdagdag si Jonas Valanciunas ng 26 puntos at 15 rebounds nang talunin ng host New Orleans Pelicans ang Phoenix Suns, 118-103, noong Linggo ng gabi upang maging 2-2 ang kanilang first-round playoff series.
Umiskor si Ingram ng 16 puntos nang madaig ng Pelicans ang Suns 35-23 sa third quarter. Nagtapos si Valanciunas na may career high playoff points, si CJ McCollum ay umiskor ng 18 at si Herbert Jones Jr. naman ay may 13 puntos.
Si Deandre Ayton ay umiskor ng 23 puntos, si JaVale McGee ay may 14, Cameron Johnson ay may 13 at Jae Crowder ay may 11 upang pangunahan ang top-seeded na Suns. Si Chris Paul ay may 11 assists, ngunit umiskor lamang ng apat na puntos sa 2 out of 8 shooting.
Nanatiling wala ang leading scorer ng Suns na si Devin Booker, na nagtamo ng hamstring injury noong Game 2.
Nakatakdang ganapin ang Game 5 sa Martes sa Phoenix.
