Ang NCR ay maaaring maging kuwalipikado na mapasailalim sa COVID-19 Alert Level 1 sa Disyembre 1, ngunit ang halos 13.5 milyong populasyon nito ay dapat na patuloy na maging maingat upang maiwasan ang panibagong pagdami ng mga impeksyon, sinabi ng isang opisyal nitong Linggo.

“I hope that by Dec. 1, we should be already at Alert Level 1. and Kaya naman natin ‘yan. While we continue to go down in cases, and we’re recommending Alert Level 1, vigilance is important,” ayon Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion.

Ang Alert Level 1 ang pinakamababa sa bagong 5-step na scheme na ipinapatupad sa bansa para kontrolin ang pagkalat ng COVID-19 habang pinapayagan ang mga negosyo na gumana. Ito ay may kasamang mga granular lockdowns. (By: Frances Pio)

Leave a Reply