Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinanggihan niya ang alok ni presidential aspirant Senator Manny Pacquiao na magsanib-puwersa sa 2022 elections para sa kapakanan ng Mindanao.

Sa panayam ni Banat By na ipinalabas sa Youtube nitong Linggo, ibinahagi ni Duterte na nagkaroon sila ng usapan ni Pacquiao kung saan inalok ng senador ang posibleng team-up.

“Nung nagkita kami, sabi ko, sige, kausapin ko para deretsahan. Sabi niya na magsama tayo for the sake of Mindanao. Sabi ko, I’m sorry I cannot support you,” ayon.

Sinabi ni Duterte na susuportahan lamang niya ang kanyang long-time aide na si Senator Bong Go na naghahangad sa pagkapangulo matapos na palitan si Grepor Belgica sa ilalim ng Federalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) party. (By: Frances Pio)

Leave a Reply