Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Aprubado na sa mga alkalde ng Metro Manila ngayong Huwebes, Enero 19, ang isahang panuntunan sa paglabag sa trapiko at number coding sa National Capital Region.

Magiging isa na lamang ang presyo ng penalty sa naturang paglabag at papayagan ng single-ticketing system ang pagbabayad ng penalty gamit ang payment center o digital wallet.

Nagkasundo ang mga alkalde ng NCR at ayon sa alkalde ng lungsod ng San Juan at siyang pangulo rin ng Metro Manila Council na si Francis Zamora, walang tutol na miyembro ng konseho sa single-ticketing system.

Para naman sa pagpaplantsa ng ilang detalye, partikular umano ang integration ng database, sa naturang ipapatupad na sistema, nagpulong ang technical working group ng MMC kasama ang Land Transportation Office (LTO) at Metropolitan Manila Development Authority ngayong araw.

Ang final draft naman ng Metro Manila Traffic Code ay naipresenta rin sa pagpupulong, ang draft ng MMC Resolution na nag-a-adopt sa Metro Manila Traffic Code, pati ang memorandum of agreement ng LTO para sa pagkakaugnay sa mga lokal na pamahalaan.

“Wala namang problema sa ating mga mayors. It’s really just a matter of integration. Paano ba ang proseso ng integration? Mayroon bang kailangang bayaran ang mga LGU para mag-procure ng mga IT equipment o ‘yong actual integration ng data, sino’ng magha-handle niyan?” ani MMC President Zamora.

Dagdag pa niya, maari nang pagbotohan ang nasabing resolusyon at maipatupad ang single-ticketing system sa unang bahagi ng taon sa oras na maayos ang detalye nito.

Leave a Reply