By: Jude Sagun

Inanunsyo ng singer-songwriter na si Nica del Rosario ang nalalapit na pag-iisang dibdib nila ng girlfriend na si Justine Peña. 

Sa kanyang Twitter account, unang ibinahagi ni del Rosario sa kanyang mga follower ang view ng eroplanong sinasakyan at ang caption na, “Off to get 💍.”

Sa mga sumunod na tweet nito, ibinahagi na ng composer na magkasama sila ng kanyang partner sa Sydney, Australia at kinumpirmang magpapakasal na sila roon. 

Sina Del Rosario at Peña, kasama si Jeli Mateo,

ang nagsulat at kumanta ng hit campaign jingle ni dating bise presidente Leni Robredo na “Kay Leni Tayo.”

Isinulat at inawit din ni del Rosario, kasama si Gab Pangilinan ang kantang ‘Rosas’ na ginamit rin para sa kampanya ni VP Leni. 

Bukod pa rito, si del Rosario din ang composer ng mga hit song na, “Tala” ni Sarah Geronimo at “Na Na Na,” ng Bini. 

Leave a Reply