Share:

By Frances Pio

––

Naitala ng Department of Health Regional Office of Northern Mindanao (DOH-10) ang malaking pagtaas ng bilang ng mga kaso ng dengue sa rehiyon mula Enero 1 hanggang Hunyo 11 ngayong taon.

Sinabi ng DOH-10 medical technologist na si Gemma Uy, sa isang media forum noong Huwebes, Hunyo 16, na nakapagtala na ang rehiyon ng 3,844 na kaso, 134.25% na mas mataas sa bilang ng mga kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon na may 1,641 na kaso.

Batay sa datos ng Regional Epidemiology, Surveillance and Disaster Response Unit (RESDRU) ng DOH-10, ang lalawigan ng Bukidnon ang may pinakamaraming kaso ngayong taon na may 1,322.

Sinundan ito ng Cagayan de Oro (757); Misamis Oriental (718); Lanao del Norte (502); Iligan City (294); Misamis Occidental (244); at lalawigan ng Camiguin (7).

Sa ibinigay na datos, sinabi ni Uy na umabot na sa epidemic threshold ang mga kaso ng dengue sa rehiyon.

Leave a Reply