Share:

By Frances Pio

––

Nananatili ang Metro Manila na nasa low risk classification para sa COVID-19, iginiit ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes, na pinabulaanan ang pahayag ng OCTA Research na ang kabisera ay tumaas sa moderate risk.

Sinabi ng DOH na para sa isang lugar na ma-classify sa ilalim ng moderate risk, dapat mayroong positive two-week growth rate at ang average daily attack rate (ADAR) na dapat ay hindi bababa sa average na anim na kaso kada araw kada 100,000 populasyon o hindi bababa sa 818 daily cases na napanatili sa loob ng dalawang linggo.

Ang ADAR ay tumutukoy sa karaniwang bilang ng mga bagong impeksyon sa loob ng dalawang linggong panahon na hinati sa populasyon ng isang lugar.

Sinabi ng OCTA sa CNN Philippines nitong Huwebes na ang ADAR ay kasalukuyang nasa 0.99 at inaasahang aabot sa 1 sa susunod na araw.

Sinabi ng DOH na bagama’t nagpapakita ang NCR ng positibong two-week growth rate, ang ADAR nito ay mababa pa rin sa 6 na nsa less than 1 case kada 100k populasyon.

Leave a Reply