Share:

Pinagpapaliwanag ni Senadora Grace Poe ang National Telecommunications Commission (NTC) hinggil sa lumalaganap na iligal na paggamit ng emergency text blasters sa pagpapakalat ng maling impormasyon at paghahatid ng mga mensahe galing sa mga politiko sa pamamagitan ng emergency alerts.

Ayon kay Poe, ipinasa ang Free Mobile Disaster Alerts Act o Republic Act 10639 upang protektahan ang publiko sa pamamagitan ng maagang babala kaugnay ng mga sakuna.

“We passed the Free Mobile Disaster Alerts Act or Republic Act 10639 to protect our people through prompt warnings in the event of natural and man-made calamities,” ani Grace Poe.

“Emergency text alerts can save lives. They must not be used by fraudsters that could endanger the safety of our people,” dagdag pa niya.

Naglabas ng pahayag ang senadora matapos makatanggap ng emergency alert messages ang ilang indibidwal na kinakampanya si former senator Bongbong Marcos na ngayo’y kumakandidato bilang presidente ng bansa noong October 6, kaparehong araw kung kailan naghain si Marcos ng kaniyang certificate of candidacy sa pagkapangulo.


Bilang chairperson ng Senate committee on public services, umaasa si Poe sa mabilis at mabusising pagiimbestiga ng NTC sa pangyayaring ito.

“We expect the investigation of the NTC to be swift but thorough to yield results that would also curb the proliferation of illegal devices used in spreading misinformation,” binigyang diin ni Poe.

“It is also incumbent for the country’s telecommunications companies to explain how the messages were sent in the guise of emergency alerts.  We must safeguard our people against spammers and scammers that could plague the wireless messaging services,” dagdag pa niya.

(By: Aj Lanzaderas Avila)

Leave a Reply