Share:

Nitong Biyernes, Oktubre 15, inanunsyo ng ABS-CBN Film Productions na magkakaroon sila ng agreement kasama ang Global One Studious sa India.

Magkakaroon ng Indian adaptation ang limang blockbuster movies na pinagtambalan nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ang limang pelikulang ito ay ang “Barcelona: A Love Untold,” “Can’t Help Falling in Love,” “Crazy Beautiful You,” “She’s Dating The Gangster,” at “The Hows Of Us,” na naging top-grossing film ng Pilipinas noong 2018.

Ito ay magiging isang makasaysayan para pelikulang Pilipino dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na ma-localize ng India ang limang pelikulang Pilipino. Ang mga Bollywood remakes ay magpapakilala ng mga bago at may talentong loveteam ng India. (By: Frances Pio)

Leave a Reply