Share:

Base sa Department of Health (DOH), ang Zamboanga peninsula lang ang rehiyon na nasa watch list dahil sa pagiging high-risk sa Mindanao.

Ayon sa DOH ang Zamboanga peninsula ay may high utilization rate ng intensive care unit (ICU) na nasa 87% ayon sa datos nitong noong October 10. Sa kabuuhan, pang-apat ang Zamboanga sa buong bansa, sinundan niya ang Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley, at Mimaropa.

May 71.6% utilization rate ang Zamboanga, samantalang ang CAR ay may 85% ICU utilization rate at 88% hospital ward bed utilization rate. (By: Frances Pio)

Leave a Reply