Bumaba na sa moderate risk ang Cagayan de Oro matapos bumaba ang mga kaso at reproduction rate sa lungsod. Nasa 0.57 na ang reproduction rate ng COVID-19 ayon sa OCTA.
Base sa monitoring ng OCTA Research Group, bumaba sa 39% ang dami ng mga bagong kaso. Nasa 57 new cases per day na lang ang natatalang COVID-19 cases sa lungsod. Malapit na ito sa pre-surge average ng lungsod.
Dahil sa pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Cagayan de Oro, bumaba na rin sa 60% ang bed occupancy rate ng lungsod.