Share:

Ang pamahalaang lungsod ay nais na mamigay ng mga food items, gift certificates, at ilang pang insentibo para makapanghikayat ng mga tao na magpabakuna.

Ayon kay Mayor Sara Duterte, ito ay makakatulong sa bansa upang maabot ang 1.2 milyong target na mabakunahan upang maabot ang herd immunity.

Nais ng lungsod na mabakunahan ang 438,000 ng kanilang first dose, at 762,000 na iba pang hindi nakakatanggap ng kanilang second dose. Sa kabuuhan, 503,000 na ang fully vaccinated laban sa COVID-19 sa lungsod.

Leave a Reply