Share:

Nitong Martes, inanunsyo ng Health Undersecretary Maria Rosario na mayroon nang apat na manufacturers ang gumagawa ng bakuna laban sa COVID19. Tatlo sa China at isa ay galing Taiwan. 

Maaring abutin ng isang taon ang pag buo sa bakunang ito ayon kay Rosario dahil sa mga pagsusuring gagawin kung magiging epektibo ang bakuna. 

Ngunit magandang balita naman ang dulot nito dahil isa ang Pilipinas sa nakikiisa sa mga trials na ginagawa ng mga manufacturers na ito na maaring makatulong sa bansang magkaroon ng mas madaling pakikipagtransaksyon. 

Nakipagkasundo nadin ang bansang Pilipinas sa World Health Organization’s Solidarity Trial para sa COVID19 Vaccine. 

Sa ngayon umaabot na ng halos 82,040 confirmed COVID-19 cases,  1,945 deaths at 26,446 sa mga nakarecover.

Leave a Reply