Share:

Para sa alkalde ng Lungsod ng Navotas, ang pinakamabilis na paraan upang makabangon at makabawi ang lokal na ekonomiya ay ang payagan ang mas maraming negosyo na muling magbukas.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco na ang Navotas City ay nakakita ng isang dramatic plunge sa bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19. Mula sa mahigit 1,000 noong Setyembre, bumaba ang bilang na iyon sa 57 na lang.

Aniya, kung lilipat sa Alert Level 2 ang Metro Manila, mas maraming establisyimento ang muling magbubukas, na mangangailangan ng mga manggagawa. Ang mga natanggal na manggagawa ay magkakaroon ng pagkakataong bumalik sa trabaho. (By: Frances Pio)

Leave a Reply