Share:

Base sa digital survey na isinagawa ng isang pampulitikal na non-partisan organization na DigiVoice, may kaunting kalamangan si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa kapareho niyang presidential aspirant na si Former Senator Bongbong Marcos, at Davao City Mayor Sara Duterte kahit “statistically tied” ang mga ito.

Ang “non-comissioned” survey na ito ay isinagawa noong Setyembre 9 hanggang 13 sa mahigit kumulang 1000 na respondents gamit ang isang digital mobile app.

Ayon sa resulta ng survey, nasa pang-anim na puwesto sina Vice President Leni Robredo, Rep. Alan Peter Cayetano, at Senator Panfilo “Ping” Lacson. Si Moreno naman ang nakakuha ng pinakamataas na boto sa “most preferred second choice” kasunod sina Robredo, Cayetano, Lacson, Poe, at Pacquiao.

Sinasabi ng DigiVoice na “credible” ang kanilang survey batay sa kanilang pamamaraan at ang kanilang “one-click polling” ay nakakakuha ng real-time at actionable data.

(By: Aj Lanzaderas Avila)

Leave a Reply