Share:

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pang rekomendasyon ang kanilang mga eksperto sa paggamit ng magkaibang uri ng bakuna ng Covid-19 sa indibidwal na tatanggap o babakunahan.

Sa isang panayam, sinabi ni Vergeire na pinagaaralan pa rin ng mga eksperto ang paghahalo ng mga uri ng bakuna at wala pang sapat na patunay para payagan ito hanggang ngayon.

“Sa ngayon, hindi pa yan ang recommendation ng ating mga eksperto. Wala pang evidence to say that kapag binigyan mo ng kakaibang bakuna doon sa first dose kung ano po yung mangyayari,” Sabi niya.

Pinunto ni Vergeire na pinapayo pa rin ng mga eksperto ang paggamit ng parehong uri ng bakuna para sa una at pangalawang doses na ibibigay sa indibidwal

Samantala nitong martes ay sinabi ni Dr. Nina Gloriani na maaaring isaalang-alang ng Vaccine Expert Panel (VEP) ang ” very particular or realistic scenario” ng paghahalo ng mga uri ng bakuna sa gitna ng kakulangan sa suplay sa bansa.

Ayon din sa kanya, hindi dapat magkaroon ng isyu mula sa isang pananaw sa imunolohiya.

“Di ba kulang din ang ating mga supplies COVID-19? Sometimes we have to be realistic ano yung next na puwede ibigay. Hindi puwedeng i-delay too long yung second dose,” dagdag pa niya.

Leave a Reply