Share:

Para matulungang lumuwag ang mga ospital sa Metro Manila, hinimok ni Bise Presidente Leni Robredo nitong Miyerkules ang mga local government unit (LGUs) at pribadong sektor na gayahin ang “very doable” na mobile laboratory ng kanyang tanggapan.

Sinabi ng Office of the Vice President (OVP) na inilagay nito ang isang van na nilagyan ng mga kagamitan upang magsagawa ng X-Ray at mga pagsusuri sa dugo sa Quezon City sa pagtatangka na gawing mas madaling ma-access ng mga mamamayan ang mga nasabing serbisyo sa ospital.

“Kung marami sanang sumubok nitong gawin, tingin ko makakatulong talaga siya para mas kaunti na ‘yung taong pumupunta sa ospital,” sinabi ni Robredo sa Facebook live ng Office of the Vice President (OVP).

Naniniwala rin siya na ang hakbangin na ito ay maaaring makatulong na mabawasan ang pagkalat ng virus sa mga health facilities.

“Kasi minsan magpapa-X-Ray lang ‘yung lines napakatagal, napakatagal ng inilalagi sa ospital,” ani ni Robredo.

Ayon kay Robredo, ang mobile lab ay suportado ng OVP’s Bayanihan E-Konsulta. Sinabi niya na maaaring kopyahin ito ng mga negosyante sa pamamagitan ng pag-aalok ng parehong mga serbisyo sa mga empleyado ng hindi bababa sa isang beses sa isang linggo o once every two weeks.

“‘Yung mga pasyente pong andito ngayon, ‘yun ‘yung sinasabi nila. Na sobrang laking ginhawa sa kanila, hindi na sila kailangan pumunta sa hospital,” dagdag niya.

Leave a Reply