By Frances Pio

––

Kasunod ng mga panawagan para sa pagsuspinde at petisyon na inihain laban dito sa Korte Suprema, muling pinagtibay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang “full support” para ipatupad ang no-contact apprehension policy (NCAP).

“The MMDA fully supports the “No Contact Apprehension Program” (NCAP), which is being implemented by some Metro Manila local government units (LGUs), and stands in solidarity with them in this respect,” ayon sa opisyal na pahayag ng ahensya.

Nananatiling ipinatutupad ng limang mayor ng Metro Manila nitong Miyerkules ang NCAP, kahit na hiniling ng mga transport group sa Korte Suprema na ipatigil ang patakaran.

Ayon sa MMDA, gayunpaman, mayroong empirical na ebidensya na ang bersyon ng MMDA ng NCAP ay nagpapatuloy na maging isang epektibong force multiplier sa mga traffic enforcer nito sa field at nagpapataas ng kamalayan ng publiko sa pagsunod sa mga umiiral na batas sa trapiko at transportasyon, mga patakaran at regulasyon.

“There is no doubt that the same experience is true for the Metro Manila LGUs,” sinabi ng MMDA.

Inulit din nito na sa ilalim ng Local Government Code of 1991 (Republic Act No. 7160), na nagbibigay ng awtonomiya sa mga LGU sa paggawa at pagpapatupad ng sarili nilang mga regulasyon sa trapiko.

Pagkatapos ay tiniyak ng ahensya na alam nito ang mga kasalukuyang isyu tungkol sa NCAP, ngunit sinabi nito na mga collaborative at constructive discussion ay maaaring maging solusyon sa mga problema at mapanatili ang isang inclusive at balanseng pagpapatupad ng NCAP.

“Thus, the MMDA endeavors to strike a sustainable balance between public interest on one hand and the traffic and transport management function of government on the other within the National Capital Region,” ayon sa MMDA.

Nauna rito, hinimok ng Land Transportation Office (LTO) ang mga LGU na suspendihin ang pagpapatupad ng NCAP, matapos magreklamo ang ilang motoristang walang ginawang paglabag na pinagmumulta, habang ang ilan ay nagreklamo ng dalawang beses na pagmumulta para sa parehong paglabag.

Matapos ang pagtutol ng mga LGU, gayunpaman, hinimok ni LTO Chief Teofilo Guadiz III ang mga alkalde na makipag-usap sa LTO at MMDA para tugunan ang mga patakaran ng NCAP, maging ang pagbuo ng isang technical working group para lutasin ang mga isyung patungkol dito.

Leave a Reply