By: Jen Lopez

Nararapat na gumawa ng responsive at strategic foreign policy ang susunod na magiging presidente ng bansa upang baguhin ang pagkalugi na dulot ng kulang-kulang na patakaran ng kasalukuyang administrasyon ayon sa think tank Stratbase-Albert Del Rosario Institute (Stratbase-ADRI).

Ayon kay Professor Victor Andres Manhit president and CEO of Stratbase-ADRI na ang bagong patakarang panlabas ay dapat na palakasin ang mga ugnayan sa mga katulad na estado upang labanan ang banta mula sa China at iba pang tradisyonal at hindi tradisyonal na mga hamon sa seguridad.

Sinabi niya na ang US ay nananatiling pangunahing kaalyado ng Pilipinas at susi sa pag-rally ng suporta mula sa internasyonal na komunidad upang kontrahin ang patuloy na pagsalakay ng China sa South China Sea.

“The defense agreements with the United States must be revisited to ensure maximal inter-operability vis-à-vis new and emerging threats,” ayon kay Manhit.

“The new foreign policy that needs to be crafted needs to prioritize the country’s national sovereignty, territorial integrity, and developmental interests,” dagdag pa nito.

Inirerekomenda ni Manhit ang agarang pagbabalangkas ng isang bagong pambansang diskarte sa seguridad, batay sa ika-12 ng Hulyo 2016 Arbitral Ruling sa South China Sea Dispute, at upang mapanatili ang isang matatag, patas at walang kompromiso na posisyon sa mga tuntunin ng mga karapatan sa soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sinusuportahan niya ang pagpapatuloy ng 15-taong, three-phased Armed Forces of the Philippines (AFP) modernization program, na may higit na pagtuon sa pagkuha ng advanced naval, aerial, at strategic defense asset sa pakikipagtulungan sa mga pangunahing kaalyado at strategic partners.

Leave a Reply