By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Martes, Enero 3, sinabi ni Rey Balena, senior manager ng communications team ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), na ang nakatakdang pagtaas ng kontribusyon sa ahensya ay magkakaroon ng kaunting epekto sa mga programa nito.

Aniya sa panayam sa TeleRadyo, magkakaroon ng “adjustments” ang rollout ng benepisyo ng ahensya pagdating sa pagpapatupad nito.

“Hindi natin sinasabi na hindi na tuloy-tuloy. Sinasabi natin na magkakaroon lamang ng adjustment sa implementation,” ani Balena.

“Tuloy-tuloy ang pag-implement ng ating programa. Sa ating benepisyo naman, makakaasa naman ang ating mga miyembro na ang current level of benefit ay masu-sustain. Mandato rin yan sa Universal Healthcare Law,” dagdag pa niya.

Sa Miyerkoles, pag-uusapan pa ang iba pang adjustments sa ilalim ng mga planong benepisyo ayon sa opisyal ng ahensya. (Photo source: George Calvelo, ABS-CBN News/File)

Leave a Reply