Share:

Magkakasama ang iba’t ibang progresibong grupo na nagsagawa ng kilos-protesta sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)-Southern Mindanao Region sa Davao City. Ito ay para sa paggunita sa ika-49 na anibersaryo ng Martial Law.

Nitong Martes, sa Freedom Park ng lungsod, dala nila ang tila isang malaking Mugshot ni Pangulong Duterte sa kanilang protesta. Ang Davao City ay kilalang balwarte ni Duterte.

Ayon sa BAYAN-SMR, sinasalamin ng kasalukuyang administrasyon ang mga kalabisan na nangyari sa panahon ng diktador na si Ferdinand Marcos. Kanilang panawagang panagutan ni Duterte ang kanyang kapabayaan at kalabisan laban sa mga Pilipino, kasama rito ang palpak na pagtugon sa pandemiya, illegal arrest at detensyon sa mga aktibista at kritiko, red-tagging, human rights violation, at korapsiyon.

Leave a Reply