Share:

Inamin ni Government anti-insurgency task force spokesperson Lieutenant General Antonio Parlade Jr. na nagsasagawa sila ng “background checking” sa mga organizer ng community pantry sa bansa.

“We’re just checking itong background ng mga ‘to. Yes, chini-check ‘yan [(We’re just checking their background. Yes, they are being checked],” ani ni Parlade.

“Habang nandoon sila sa community, meron silang propaganda na ginagawa. May sinasabi silang gutom ang mga tao dahil sa kapalpakan ng gobyerno, kung anu-ano pa,” dagdag pa niya.

Samantala, pinabulaanan naman ni PNP chief Police General Debold Sinas na nagsasagawa ang mga polisya ng police profiling sa mga organizer ng community pantry.

Nilinaw din ni Parlade na walang nagaganap na ‘red-tagging’ sa mga organizers na ito matapos magsalita ang ibang organizer patungkol dito at tila hinihingi pa ang kanilang mga personal na impormasyon ng mga alagad ng batas.

Leave a Reply