Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) tumaas na ang bilang ng mga may kaso ng Covid19 sa mga kababayang Pilipino sa abroad. Umabot na hanggang 18,160 nitong Martes dahil sa 19 bagong kaso.
Nasa 5,877 ang ginagamot na mga Pilipino sa abroad mula sa bilang 11,162. Habang 1,121 sa kanila ay binawian na ng buhay nang dahil sa Covid19.
Sa ngayon ang sumatutal na bilang ng may Covid19 sa Pilipinas ay umaabot na ng 953,106 kung saan 16,141 ang namatay.
Pinaniniwalaang sa Wuhan,China nagmula ang coronavirus noong taong 2019 hanggang sa umabot na ito sa iba’t ibang bansa tulad ng United Kingdom, South Africa, Brazil at Pilipinas.
Ayon sa pagaaral ng US-Based Johns Hopkins University nasa 142 million na ang nagkasakit ng Covid19 sa buong mundo.