Share:

Ilang mambabatas ang humanga sa lumalawak na “community pantries” sa iba’t ibang lungsod sa bansa.

Anila naging paraan ito ng mga tao upang magtulungan na makapagbigay sa mga taong hirap na makabili ng pangangailangan tulad ng pagkain.

Ayon kay Sen. Leila de Lima, chair of the Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development na isa itong pahiwatig sa kakulangan ng gobyerno sa pagaabot ng tulong sa mga pilipino.

Nagsalita din sina Senadora Risa Hontiveros, Senadora Imee Marcos at Panfilo Lacson sa paghanga nila sa proyektong ito.

Ayon kay Senadora Marcos, maging daan sana itong community pantries para ayusin ng gobyerno ang pagabot ng ayuda sa mga tao.

Ngunit nais itanggi ng tagapagsalita na si Harry Roque na ipanapakita nito ang kakulangan ng gobyerno. Aniya, pinapakita ng community pantry ang tunay na dahilan ng bayanihan at tigilan muna ang mga kontrobersya sa pulitiko.

Kasabay ng pagusad ng pandemya ay ang pagtaas din ng bilang ng mga pilipinong wala pading trabaho hanggang sa buwan ng February nitong taon na umaabot ng 4.2 million ayon sa Philippines Statistics Authority (PSA).

Leave a Reply