Share:

By Frances Pio

––

Pumanaw na ang batikang komedyante at direktor na si Phillip Lazaro, 52, kinumpirma ng mga celebrity at kaibigan sa kanilang mga tribute posts.

Ang mga kasamahan sa trabaho ni Lazaro ay nagpahayag ng kanilang pamamaalam sa direktor sa pamamagitan ng kani-kanilang mga post sa Facebook ngayong araw, Hulyo 11. Isa sa mga nakaalala kay Lazaro ay ang set production designer na si Jay Custodio, na inilarawan ang yumaong komedyante bilang “one of the sweetest and supportive directors.”

“It’s a sad day today, one of the most [fine] and kind directors that I’ve worked with just passed away,” ika ni Custodio.

“Praying for the repose of your soul direk [Phillip Lazaro]. You will be missed! Thanks for all the laughs and chikahan! Love u Direk!,” dagdag pa niya.

Nagpahayag din ng dalamhati ang aktres na si Jillian Ward nang ipakita niya ang larawan nila ni Lazaro sa tila isang proyekto na ginawa nilang magkasama.

“Rest in peace, direk Philip Lazaro,” sinabi niya.

Ayon sa ulat ng GMA News, namatay si Phillip dahil sa multiple organ failure kaninang umaga.

“I never saw Tito Phi breathing again. Seeing him so helpless was my last memory of him and it breaks me apart,” sinabi ni Chico Lazaro Alinel, pamangkin ng direktor.

Naalala ni Chico na huli niyang nakita ang kanyang tiyuhin kahapon sa kanyang tahanan, kung saan napansin niyang nahihirapang huminga si Lazaro.

“From that moment, I kissed his forehead and said my goodbye, told him to always pray, and how much I love him,” sinabi ni Chico.

Si Lazaro, na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Hunyo 12, ay gumanap sa ilang pelikula kabilang ang “Wanted: Perfect Mother” (1996), “Kailangan Ko’y Ikaw” (2000) at “Unexpectedly Yours” (2017). Nagsilbi rin siyang pangalawang unit director ng GMA TV series na “Prima Donnas” (season two), “Widow’s Web” at “Nagbabagang Luha.”

Leave a Reply