By Frances Pio
––
Anim na pangunahing deal sa pagitan ng Singaporean at Philippine government ang nilagdaan sa ikalawang araw ng state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kabilang ang kasunduan sa recruitment ng mas maraming Filipino health workers sa Singapore.
Ang impormasyong ipinadala ng Office of the Press Secretary nitong Miyerkules ay nagsasaad na ang sumusunod na anim na pangunahing dokumento ay tinalakay kanina sa pagitan ng delegasyon ni Marcos at ng gobyerno ng Singapore:
- Memorandum of Understanding between the Department of Information and Communications Technology of the Philippines and the Ministry of Communications and Information of Singapore in the field of digital cooperation
- Joint Communiqué between the Department of Migrant Workers of the Philippines and the Ministry of Health of Singapore on the recruitment of Filipino healthcare workers
- Memorandum of Understanding on Cooperation in Personal Data Protection between the National Privacy Commission of the Philippines and the Personal Data Protection Commission of Singapore
-Memorandum of Understanding between the Bases Conversion and Development Authority of the Philippines and Enterprise Singapore for Singapore and Philippines to collaborate on business opportunities on the development of New Clark City
-Memorandum of Understanding between the Metropolitan Waterworks and Sewerage System of the Philippines and the Public Utilities Board of Singapore on water collaboration
-Arrangements between the Singapore Armed Forces and Armed Forces of the Philippines concerning the assignment of a team to the Regional Counterterrorism Information Facility in Singapore
Ang memorandum of understanding tungkol sa data protection initiatives ng parehong bansa, at ang kasunduan sa pagtatalaga ng isang team sa Regional Counterterrorism Information Facility ay ang dalawang deliverable na binanggit ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson at Ambassador Teresita Daza noong Biyernes, bago Pumunta si Marcos sa Indonesia para sa unang bahagi ng mga pagbisita sa Singapore.
Samantala, ang joint communique ay ang magandang balita na ipinarating ni Marcos at incoming Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople sa pakikipagpulong sa Filipino community noong Martes ng gabi.
Ayon kina Marcos at Ople, ito ang paraan ng Singaporean government ng pagkilala sa napakalaking pagsisikap at kontribusyon ng mga Filipino health worker na tumulong sa Singapore na pamahalaan ang COVID-19 outbreaks nito.
Ang memorandum of understanding tungkol sa pagpapaunlad ng New Clark City, sa kabilang banda, ay pinag-usapan sa pamamagitan ng bagong Bases Conversion and Development Authority Chairperson Delfin Lorenzana, na nagsabing naghahanap sila ng tulong kung paano itatayo ang real estate side ng lumang Clark Air Base sa loob ng maliit na espasyo — tulad ng Singapore.
Kakailanganin pa rin ng gobyerno ng Pilipinas na suriin at kalkulahin ang halaga at lawak ng tulong na ibinigay ng mga kasunduan at memorandum sa bansa.
Nauna rito, binanggit ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang mga investment at deal na nakuha mula sa Indonesia, na kalaunan ay natukoy na may malaking kontribusyon pagkatapos ng karagdagang pagsusuri.
“Wala tayong target number yet, mahirap pong magsabi kasi even kapag nakapag-usap na tayo at mayroon na tayong agreement, hindi rin natin — kukompyutin pa natin,” sinabi ni Angeles.
“Halimbawa sa Indonesia, ang laki pala ng amounts na makukuha natin – ang sabi originally ni Secretary Pascual, worth of 700 million. So noong finally nilabas namin yesterday, nakita ninyo naman iyong statement, so we’re talking about billions and we’re also looking at 7,000 new jobs for Filipinos,” dagdag pa niya.
Inaasahang magkakaroon ng jam-packed na iskedyul si Marcos para sa huling araw ng kanyang state visit sa Singapore na may mga serye ng mga pagpupulong sa mga potensyal na investors.
Sa kanyang pakikipagpulong sa Filipino community, binanggit ng Pangulo na ang Singapore ang pangunahing pinagmumulan ng investment sa Pilipinas.
