Pinasinayaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Biyernes ang pinakamahabang flyover sa Mindanao. Ang 1.035-kilometrong imprastraktura, na nagkakahalaga ng PHP2.7 bilyon, ay bahagi ng “Build, Build, Build” program ng Duterte administration.

Ang proyekto na sinimulan ang pagtatayo noong 2017 ay matatagpuan sa pinakamahalagang intersection sa Lungsod ng Tagum, ang convergence point ng lahat ng trapiko ng sasakyan mula sa mga bayan, munisipalidad, at lungsod na dinadaanan ng dalawang pangunahing corridors ng kalsada: Daang Maharlika o ang Agusan-Davao Road at Surigao Davao Road.

Ang intersection ay nagsisilbi ring gateway sa hilagang mga lalawigan ng Mindanao na humahatak sa mga mangangalakal ng mga produktong pang-agrikultura, mga manggagawa, at mga mamumuhunan sa sektor ng serbisyo sa Rehiyon ng Davao (Rehiyon 11).

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon, sinabi ni DPWH Secretary Roger Mercado na ang proyekto ay isang dream come true para sa mga mamamayan ng Davao Region. (By: Frances Pio)

Leave a Reply