By Frances Pio
––
Isang plebe ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite ang namatay noong Sabado, Hunyo 18, habang nilalapatan ng lunas matapos ang endurance test na kanyang pinagdaanan dalawang linggo na ang nakararaan.
Inihayag ng Pulisya ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), sa isang ulat nitong Linggo, Hunyo 19, na ang plebe ng PNPA na si Rafael Sakkam ay pumanaw bandang 6:00 p.m. habang ginagamot sa Qualimed Hospital sa katabing Lungsod ng Sta. Rosa sa Laguna.
Sinabi sa ulat na bumagsak si Sakkam noong Hunyo 3 dahil sa kahirapan sa paghinga sa reception rites at unang ginagamot sa PNPA dispensary.
Makalipas ang apat na araw, inilipat si Sakkam sa Qualimed Hospital para sa karagdagang paggamot ngunit namatay noong Sabado.
Hindi tinukoy ng ulat ang sanhi ng kanyang pagkamatay.