By: Margaret Padilla
Pumanaw na ang 35-anyos na Filipino at abogado na binaril sa ulo habang nagbabakasyon sa Philadelphia, Pennsylvania, alas-10:33 ng gabi noong Linggo, ayon sa kanyang pamilya.
Namatay si John Albert “Jal” Laylo matapos ma-confine sa kritikal na kondisyon sa isang lokal na ospital matapos pagbabarilin habang bumabyahe sakay ng Uber car kasama ang kanyang ina sa Philadelphia para bisitahin ang mga kamag-anak sa United States.
Naganap ang random na pamamaril noong 4:00 a.m. Sabado, EST (4:00 p.m. PST Sabado).
Sinabi ng kanyang ina na si Leah Bustamante Laylo sa kanyang Facebook page na ang kanyang anak ay “badly hit” sa ulo.
“My son has a lot of dreams, a lot of plans, hopes, and everything! He’s gone now. I can’t explain the pain and the heaviness I have in my heart,” ika ng ginang sa kanyang post.
Inamin niyang inabot ng ilang oras ang pagsusulat ng nasabing post dahil hindi pa rin siya makapaniwala na nangyari ito.
Ang nakatatandang Laylo, mismo ay nagtamo ng minor injuries mula sa nabasag na salamin nang magpaputok ng anim na putok sa bintana ang salarin o mga salarin, kung saan ang isa ay tumama sa ulo ni Laylo.
Ayon kay Elmer Cato, ang Consulate General ng Pilipinas sa New York, tinamaan ang batang abogado sa ulo ng isa sa mga balang pinaputok sa kanilang sinasakyang Uber.
Sinabi ni Cato na si Laylo at ang kanyang ina ay patungo sa airport bandang alas-4 ng umaga para sumakay ng eroplano patungong Chicago nang may nagpaputok sa kanilang sasakyan.
Samantala, ibinalita ng kapatid ni Laylo na si Althea sa Twitter ang tungkol sa pagkamatay ng kanyang kapatid at ang kagustuhan nitong mag donate ng kanyang mga organs.
“To all that prayed and kept us close to their hearts, my family is more than grateful. No words can ever justify how appreciative we are for the love that you have extended. Unfortunately, my brother has passed. Once again, I am asking you to keep my family in your prayers.”
Ang New York consul general ay nagsabi na sila ay patuloy na nakikipag tulungan sa Philadelphia police, na nag-abiso sa kanila na ang isang pagsisiyasat sa naturang insidente ay kasalukuyang nagpapatuloy at walang mga pag-aresto pa ang ginagawa sa ngayon.
“We call on authorities in Philadelphia to do what is necessary to bring the perpetrator of this crime to justice,” sabi ni Cato.
Nagpahayag siya ng “deep sadness over the death of our kababayan in this tragic incident in Philadelphia,” na hinihimok ang pamayanang Pilipino na ipagdasal ang “katahimikan ng kanyang kaluluwa.” (Photo: Central European University)