By Christian Dee
MAYNILA – Nitong Martes, Enero 17, inanunsyo ng Professional Regulation Commission na isa lamang ang nakapasa sa Real Estate Consultant Examination.
Natatanging si Ma. Dani Vi Patal Edrad lamang mula sa University of the Philippines Diliman ang nasa listahan ng mga pumasa sa pagsusulit base sa inilabas ng komisyon kahapon.
Ibinigay ang naturang exam ng Board of Real Estate Service sa labimpitong (17) aplikante sa Maynila at Cebu noong Disyembre 7, 2022 (Written), at noong Enero 9 hanggang 13, 2023 (Revalida), ayon sa PRC.
Binubuo naman nina Hon. Ofelia C. Binag, Chairman; Hon. Rafael M. Fajardo, Hon. Jose Arnold M. Tan and Hon. Pilar M. Torres-Banaag, mga miyembro, Board of Real Estate Service.
Para naman sa pagpapalabas ng Professional ID at Certificate of Registration, sinabi ng PRC na simula Pebrero 27 hanggang 28, 2023, maari nang magparehistro online ang pumasa.