Pinasinayaan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang groundbreaking ceremony para sa itatayong P110-milyon na ospital sa Baseco Compound sa Port Area ng Maynila.
Itatayo ang tatlong palapag na ospital kapalit ng President Corazon C. Aquino Health Clinic na itinayo noong administrasyon ni dating Manila City Mayor Alfredo S. Lim at papangalanang “President Corazon C. Aquino General Hospital.”
“Pamahalaan nalang ang sandalan ng tao. Some of us paid the ultimate price. But we have to do what we have to do. We have to do it. We have to take care of our people,” wika ni Moreno sa kanyang speech.
Mayroong 24/7 fully operational emergency room, digital xray equipment, centralized oxygen supply line, male and female wards, isolation wards, at pediatric ward ang itatayong ospital na may 50-bed capacity.
Magkakaroon din ng community-inclusive outpatient department, radiology department, lasboratory and central diagnostics department, dietary department 24/7 maternity department, at surgery and internal medicine department ang pagamutan.
“We always try to be ahead of the situation or possible uncertainty because we are always certain in the City of Manila,” ani Moreno.
Kasama ng presidential aspirant sa naganap na seremonya sina Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, Manila 3rd District Rep. John Marvin “Yul Servo” Nieto, at iba pang opisyal mula sa pamahalaang lungsod ng Maynila.
Ang itatayong President Corazon C. Aquino General Hospital ang ika-pitong ospital na itatayo sa lungsod ng Maynila kung saan kada distrito ay mayroong sariling ospital.
Nitong nakaraang Hunyo, nagsimula na ang operasyon ng Covid-19 Field Hospital, 52 na araw lamang mula nang sinimulan ang konstruksyon nito bilang parte ng pagtugon ni Mayor Isko sa kakulangan ng ospital para sa mga covid patients.
Inaasahan ding matapos sa buwan ng Disyembre ang bagong “world-class” na Ospital ng Maynila at magsisimula ang operasyon bago matapos ang taon.
Nakatakda namang maging Medical School building para sa mga medical students ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ang lumang gusali ng Ospital ng Maynila.
(By: Aj Lanzaderas Avila)
