Share:

Iminungkahi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa Department of Agriculture (DA) na kinakailangan ng agarang aksyon sa tumataas na presyo ng fertilizer na lubhang nakakaapekto sa mga lokal na sakahan sa bansa.

“Ang dami pong lumalapit sa akin na farmers’ groups and cooperatives lately, nanghihingi ng tulong dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng fertilizers,” ani Zubiri.

“Ang baba na nga ng benta ng produkto nila, tapos ang mahal pa ng fertilizer. And with no support from the government, hindi na po talaga sila kikita.” dagdag pa niya.

Ayon kay Fertilizer and Pesticide Authority Executive Director Wilfredo Roldan, “global demand” ang pangunahing dahilan sa pagtaas ng presyo ng fertilizer.

“Urea used to go for just around Php800 to Php900 per 50 kilograms, pero ngayon nasa Php1500 to Php1800 na. That’s an astronomical jump, especially in the middle of a pandemic,” ayon sa Senador.

Ayon pa kay Zubiri, lalong malulugi ang mga magsasaka dahil dito, “Hindi pa nga nakaka-recover ang mga magsasaka natin, lalo pa silang malulugi sa presyo ng farm input. And of course, that will affect the whole chain. It will put our farmers out of business, and it will definitely set us back in our efforts to become more self-sufficient in our production. Aasa na naman ba tayo sa imports?”

Pinasalamatan naman ni Zubiri ang Department of Agriculture (DA) dahil sa Memorandum No. 14 na inilabas noong Agosto na naglalayong bigyan ng fertilizer discount vouchers ang mga magsasaka.

“And I hope the DA can do it on behalf of our farmers. It will be cheaper, and maybe we can ask the National Food Authority to then sell it at friendly prices to our farmers. Better yet, let’s subsidize farm input, at least for time being, to help cope with the current prices.” wika ni Zubiri.

(By: Aj Lanzaderas Avila)

Leave a Reply