By Christian Dee
MAYNILA – Dahil sa pagtaas ng presyo ng mga sangkap, tumaas na rin ang presyo ng tikoy na patok na patok na handa tuwing sasapit ang Chinese New Year na ipagdiriwang sa Linggo, Enero 22.
Mula sa P70, ang presyo ng small size na tikoy ngayon ay umakyat na sa P85, habang ang dating P110 naman na medium size nito ay nagtaas na rin ng P20, na ngayong P130.
P20 din ang itinaas sa presyo ng large size na tikoy, P200, na dating P180.
Ang paggalaw sa presyo ng naturang handa ay dulot ng pagmahal ng presyo ng mga kailangang sangkap sa paggawa ng tikoy.
Ang mga prutas naman na karaniwang inihahanda sa nasabing okasyon, gaya ng pinya, kiat-kita – na pinaniniwalaang pampasuwerte, at ang iba pang mga prutas ay walang paggalaw sa presyo.
Matumal pa rin ang bentahan nito ngunit inaasahan sa mga susunod na araw na dadamit ito.