Patuloy sa operasyon ang Amai Pakpak Medical Center (APMC) kahit 100% nang puno ang ospital. Samantalang lumubo naman sa 130% ang bilang ng pasyente sa intensive care unit ng ospital, ayon kay Dr. Alinader Minalang, provincial health officer at provincial deputy chairman ng Lanao del Sur COVID-19 inter-agency task force.
Matatandaang tumigil nang tumanggap ang ospital ng APMC ng pasyente nung nakaraang linggo, Setyembre 7, kasabay ng panawagan sa mga tao na magtungo muna sa mga rural health unit (RHU).
Malaking problema na rin ang kakulangan ng oxygen sa ospital dahil mula sa 200 oxygen tanks, kinakailangan na ng ospital na bumili ng 500 oxygen tanks kada araw na sa kasalukuyan ay nagkakaubusan. “We regret to notify the public that we are experiencing a shortage of medical oxygen supply since our suppliers can no longer provide our needed oxygen requirement,” ayon kay APMC Chief Dr. Shalimar Rakiin.