Share:

Nahihirapan ang Philippine General Hospital (PGH) maghanap ng doktor na magseserbisyo sa ospital matapos hindi na mag-renew ang labing-isang volunteer doctors ng kontrata. Isa itong malaking problema dahil ang PGH ang pangunahing COVID-19 referral facility sa bansa.

“It’s so hard to open up more beds or open up more wards if you do not have the right doctors to take care of them. A lot of our patients are severely ill so they really demand specialists… Para tayong nasa giyera, we need more, we need to add more soldiers,” ayon kay Dr. Jonas Del Rosario, tagapagsalita ng PGH. Dagdag pa niya alam na ng Department of Health (DOH) ang problema at handang sagutin ang pasweldo sa mga kukuning doktor.

Sa ngayon nahihirapan pa rin makakuha ng doktor ang PGH dahil sa isyu ng kompensasyon at benepisyo. Nananawagan ang PGH na taasan man lang ang pasweldo ngayong pandemya.

Leave a Reply