Share:

By Frances Pio

––

Pumanaw na si Queen Elizabeth, ang pinakamatagal na reyna na namuno sa Britain at ang figurehead ng bansa sa loob ng pitong dekada, sa edad na 96, ayon sa Buckingham Palace nitong Huwebes.

“The Queen died peacefully at Balmoral this afternoon,” ayon sa opisyal na pahayag.

“The King and The Queen Consort will remain at Balmoral this evening and will return to London tomorrow.”

Ang panganay na anak ni Elizabeth na si Charles, 73, ay awtomatikong naging hari ng United Kingdom at ang pinuno ng estado ng 14 na iba pang kaharian kabilang ang Australia, Canada at New Zealand. Ang kanyang asawang si Camilla ay naging Queen Consort.

Ang kanyang pamilya ay nagmamadaling makasama siya sa kanyang tahanan sa Scottish, Balmoral Castle, pagkatapos magpahayag ng pag-aalala ang mga doktor tungkol sa kanyang kalusugan. Siya ay naghihirap mula sa tinatawag ng Buckingham Palace na “episodic mobility problem” mula noong katapusan ng nakaraang taon.

Dahil dito napilitan siya na umatras mula sa halos lahat ng kanyang public engagements.

Si Queen Elizabeth II, na siya ring pinakamatanda at pinakamatagal na pinuno ng bansa sa mundo, ay nanilbihan sa trono pagkatapos ng pagkamatay ng kanyang ama na si King George VI noong Peb. 6, 1952, noong siya ay 25 anyos pa lamang.

Leave a Reply