Share:

Ang gitnang bahagi ng Rizal Park o Luneta sa Lungsod ng Maynila ay bahagyang binuksan sa publiko ngayong Lunes, Agosto 24, ngunit para lamang sa mga pisikal na aktibidad o ‘exercise at hindi paglilibang.

Ang National Parks Development Committee (NPDC) na namamahala sa sprawling park ay inihayag na ang mga bagong hakbang pangkalusugan ay ipatutupad.

“Masaya kaming inihayag na ang gitnang bahagi ng Luneta / Rizal Park ay magbubukas muli para sa mga nag ehersisyo simula Lunes, Agosto 24, 2020 – mula 5 AM-9AM araw-araw,” sabi ng komite sa isang post sa Facebook.

Sinabi ng NPDC na ang mga indibidwal na nais makakuha ng pag-access sa parke ay kailangang mag-check-in online.

“Para sa kaligtasan ng lahat, nagpapatupad kami ng mga bagong health protocol. Ang mga bisita ay kinakailangang mag-check-in gamit ang isang QR code, FB Messenger o sa pamamagitan ng SMS, ”idinagdag nito.

Pinayuhan din ng NPDC ang mga nais mag ehersisyo duon na mag-aplay para sa isang QR code at entry request nang mas maaga para sa isang mas mabilis na proseso ng pag-check-in.

Ang entry request may bisa para sa isang araw para sa maraming pagpasok at paglabas sa mga oras ng pagpapatakbo ng park, ayon sa komite.

Bago ang anunsyo na ito, ang mga kilalang lugar sa Luneta Park ay sarado dahil sa tagal ng enhance community quarantine sa Metro Manila na lumipas noong Agosto 18.

Leave a Reply