Share:

Nais ng Commission on Human Rights (CHR) spokesperson Jacqueline de Guia na tuunan din ng pansin ang mga nasa loob ng mga kulungan sa bansa sa maaring pagkalat ng Covid19.

Ilang mga abogado at prosecutor nadin ang lumapit sa National Task Force COVID19 upang aprubahan ito, ngunit ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra hindi prioridad na mabakunahan ang mga nasa bilanguan.

Ayon kay De Guia hindi umano dapat nagkakaroon ng deskriminasyon sa pagbigay ng bakuna at ibigay ito sa mga taong mahalagang mabigyan ng agarang lunas tulad ng mga nasa bilanguan na magkakasama sa loob ng mga masikip na kulungan.

Umabot narin ito sa KAPATID o ang samahan ng mga pamilya at kaibigan ng mga politikong bilanngo na humingi ng tulong sa gobyerno upang isama sa pagpapabakuna ang higit 215,000 na bilanggo na mayroon sa buong bansa.

Nagbigay ng panukala ang UN Committee on Economic, Social and Cultural Rights na obligasyon din ng gobyerno na magbigay ng bakuna sa mga grupong mataas ang posibilidad na makahawa tulad ng mga nakakulong.


Leave a Reply