By Francis Pio
Nagtala ng pinakamalaking pagtaas si Vice President Leni Robredo sa voter preference para sa mga kandidato sa pagkapangulo, ayon sa pinakahuling non-commissioned survey.
Sa isinagawang survey ng Pulse Asia noong Marso 17-21, tumaas ng siyam na porsyento ang bilang ni Robredo, bumaba naman ng apat na puntos ang bilang ni Marcos, habang ang iba ay halos pareho pa rin.
Ang marka ni Robredo ay tumaas sa 24% mula sa 15% habang ang kay Marcos ay bumaba mula 60% hanggang 56%.
Nanguna pa rin si Marcos sa maraming lugar. Siya ang nakakuha ng pinakamataas sa National Capital Region na may 64%. Sa mga socioeconomic group, nakakuha si Marcos ng 56% kapwa sa Class C at D, at 52% sa Class E.
