Share:

By Frances Pio

––

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na magpasa ng batas na nag-uutos na gawing mandatory ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program para sa mga mag-aaral sa senior high school.

Sa kanyang unang State of the Nation Address (Sona) nitong Lunes, iminungkahi ni Marcos Jr. na maging bahagi ng senior high school curriculum ang ROTC sa lahat ng pampubliko at pribadong tertiary schools.

“This seeks to reinstitute the ROTC program as a mandatory component of senior high school programs grades 11 and 12 in all public and private tertiary level educational institutions,” ika niya.

“The aim is to motivate, train, organize, and mobilize students for national defense preparedness, including disaster preparedness and capacity building for risk-related situations,” dagdag pa niya.

Nauna nang nagpahayag ng pag-asa si Bise Presidente Sara Duterte na ang mandatoryong ROTC training ay maisasama sa priority legislative agenda ng Administrasyong Marcos Jr.

Noong 2002, ginawang opsyonal ang military training sa pamamagitan ng National Service Training Program (NSTP) Act of 2001 (Republic Act No. 9163).

Noong 2001, pagkatapos niyang ilantad ang katiwalian sa militar training program ng kanyang paaralan, pinatay ang sophomore cadet ng University of Santo Tomas na si Mark Welson Chua, na nagpaingay sa mga panawagan na alisin ang mandatory military training.

Leave a Reply