Share:

By Frances Pio

––

Nangako nitong Lunes si Pangulong Ferdinand Marcos Jr . na aayusin ang sistema ng buwis ng bansa para makaakit ng investors at turista. Nangangako din siya ng malawakan na pagsasaayos sa sektor ng agrikultura upang palakasin ang output at bawasan ang mabigat na pagdepende ng bansa sa imports.

Sa pagsasalita sa harap ng Kongreso sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Marcos, na mahalagang ipatupad ang mga reporma upang maipasok ang turismo at pamumuhunan sa bansa, at mapanatili ang kasalukuyang matatag na growth momentum.

Magpapatupad ang kanyang administrasyon ng matatag na fiscal policy management at naglalayon na maabot ang 6.5 hanggang 7.5 porsiyentong paglago ng gross domestic product (GDP) ngayong taon, aniya, habang nagbabala sa mga hamon na kinakaharap para gawing stable ang presyo ng mga bilihin.

Sinabi ni Marcos, ang anak ng yumaong diktador na pinatalsik sa kapangyarihan noong 1986, na ang Pilipinas ay naglalayong mapalakas ang output ng mga produktong pang agrikultura nito at maging mas matatag sa pagharap sa climate change.

Kabilang sa mga hakbang na kanyang isusulong ay ang isang moratorium sa mga utang ng mga magsasaka upang magamit ng mga ito ang kanilang resources sa pagapaparami ng kanilang ani.

“It will unburden farmers of their dues and be able to focus on improving farm productivity,” ika niya.

Pinunto niya rin ang kahalagahan ng paggamit ng mga makabagong kagamitan at scientific farming sa pamamagitan ng mga bagong magsasaka.

Nangako rin si Marcos na pagbutihin ang edukasyon, healthcare, at mga working condition para sa mga doktor at nurse. Gayundin, ang palakasin ang imprastraktura sa bansang may higit sa 7,000 isla, kabilang ang modernization ng mga airport sa bansa.

Leave a Reply